ang Akademyang shariyah ay nangangahulugan na pagtuturo ng mga kaalamang shariah ng dahan dahan, nag uumpisa sa basic na kaalaman na kailangan ng muslim na may katibayan mula sa Qur'an at Sunnah sa larangan ng Aqeedah (paniniwala), Tawheed (kaisahan ni Allah), Hadith (mga salita ng Sugo ni Allah), Fiqh (pambabatas), Seerah (kasaysayan ng Sugo ni Allah), Adab (mga Asal), Lugah Arabiyah (wikang Arabik), sa pinadali at nakakaakit na paraan na nababagay sa hindi espesyalista sa mga kaalaman ng shariah, kahit anong antas man ang kanilang edukasyon, na mag aangat sa kanila sa mataas na antas ng kaalaman sa shariah.