Mayroon bang mga tiyak na kondisyon upang matanggap sa Akademya? Mayroon bang tiyak na edad? Tumatanggap ba ng lalaki at babae?
Walang kondisyon maliban lamang sa isa; kailangan ang mag-aaral ay higit sa 15 taong gulang, at siya ay mangangako na panonoorin niya ang mga video ng Kurso at pag-aaralan niya ito at Pagkatapos nito dapat siyang kumuha ng pagsusulit.
Sinumang higit sa nabanggit na gulang ay ikinagagalak naming makinabang siya sa Akademyang ito. Walang kailangang kahit anong dokumento para makapag parehistro.
paano ako makakasali at matanggap sa Akademya?
PARAAN NG PAG PAREHISTRO
1. Mag subscribe sa website sa pamamagitan ng susunod na link
https://kap-academy.net/tl/register
2. pindutin ang icon na bagong mag-aaral.
3. ilagay ang email at password na medaling matandaan
4. lilitaw ang iyong pangalan sa itaas na bahagi ng site kung ikay ganap ng naka rehistro.
Maaari mong mapanood kung paano mag subscribe sa video na ito
(https://youtu.be/fYShnkuvHnM )
PARAAN NG PAG-AARAL
1.Pagkatapos mag parehistro, pindutin ang “mag-aral ngayon” at simulant na ang pag-aaral.
https://kap-academy.net/tl/diplomas
2. Lumipat agad sa DIPLOMA na nais mong pag-aralan.
3. Ang pag-aaral ay sa pamamagitan ng panonood ng Video at pagbabasa ng Reperensiya, pagkatapos nito maaari ka ng kumuha ng pagsusulit at matatanggap mo agad ang Sertipiko.
4. Tanggapin agad ang iyong Sertipiko pagkatapos ng pagsusulit.
Maaari mong mapanood ang video ng paraan ng pag-aaral.
(https://youtu.be/JxOFlZ7Hka4)
Paano ko malalaman kung ako ay natanggap na sa Akademya?
Kapag ika'y nag parehistro at nag subscribe, makikita ang iyong Pangalan sa itaas ng Pahina, at makikita rin sa itaas ang Eksklusibong Pahina ng iyong Account, Mga Kurso at Mga Sertipiko.
maaari ba naming malaman kung sino ang mga taga pagturo at mga lecturer sa mga kurso?
Sila ay mga kagalang-galang na mga Ulama at mga Tagapagturo ng Islam sa Pilipinas, mula sa Ahlus-Sunnah Wal-Jamaah na may malalalim na kaalaman at balanse sa pagpapahayag.
https://kap-academy.net/tl/teacher
Gaano ang itatagal nang pag aaral ng isang diploma?
Sa bawat Diploma ay mayroong 10 Kurso, at ang bawat Kurso ay humigit kumulang isa't kalahating oras.
Kapag nakalimutan ko ang password ano ang aking gagawin?
*Kapag nakalimutan ko ang password, ano ang aking gagawin?
1. Paki pindot ang nakalimutan ko ang password sa pahina nang pag log-in sa link na ito https://kap-academy.net/tl/password/reset
2. May ipapadalang mensahe sa iyong email upang makapili ng password
Tiyakin 🔴
Kung tama ang iyong email na nakasulat
Kung nakarating ang mensahe sa iyong inbox o sa SPAM
*kung walang nakarating sa iyo, makipag ugnayan sa amin sa…
Telegram channel
(https://t.me/Knowledgeacademyph)
Teknikal na suporta (https://t.me/+U3QRCxDKsEA2YTQ8 )
Facebook (https://www.facebook.com/profile.php?id=61562286058511)
Saan ko makikita ang link ng pagsusulit?
1-Pumasok sa website na; https://kap-academy.net/
2-Pumasok sa Pahina ng KURIKULUM NG PAG-AARAL
3- Piliin ang naaangkop na SEMESTER,
4- Pumili ng DIPLOMA
5- Pumili ng Kurso kung saan nais mag sulit
6- Panoorin ang video at pag-aralan ang Reperensiya
7- Makikita sa itaas ang (kumuha ng pagsusulit ngayon)
- Tiyakin na ika'y nakarehistro at naka log-in sa iyong account
Saan ko makikita ang aking sertipiko?
🥇Mag bibigay ang Akademya ng Kaalaman ng ilang mga sertipikadong sertipiko mula sa Akademya🥇
🔹- Sertipiko ng pagkompleto ng kurso
🔸- Sertipiko ng pagkompleto ng diploma
🔹- Sertipiko ng pagkompleto ng semester
🔸- Sertipiko ng pagtatapos sa Akademya at Academic Record na parehong sertipikado ng Akademya at internasyonal unibersidad ng Ibn Katheer.
Makikita mo ang iyong mga Sertipiko sa Pahina “MGA KURSO AT MGA SERTIPIKO” sa link na ito; https://kap-academy.net/tl/mga_kurso_at_mga_sertipiko
Pagkatapos pindutin ang “mga resulta at mga Sertipiko” at i-download ang iyong Sertipiko.
Bakit hindi ako makapasok sa pagsusulit?
Marahil ang dahilan ay; hindi ka pa nakapagparehistro at naka subscribe, o di kaya hindi ka naka log-in sa iyong Account, kaya magparehistro na at mag subscribe. Kung ika’y nakapagparehistro na at naka subscribe na, mag log-in lamang at makikita mo sa bawat kursong natapos mo na ang link ng pagsusulit.
Ipa-follow ko ba ang inyong social media?
Ikinagagalak naming i-follow kami sa;
Telegram Channel: https://t.me/+nFrQ9eQQOfZiYWM0
Suportang Teknikal: https://t.me/+U3QRCxDKsEA2YTQ8
Facebook: https://www.facebook.com/profile.php?id=61562286058511